Home NATIONWIDE Pagkasawi ni Tantoco ‘wag na ikabit sa mga tsismis – abogado

Pagkasawi ni Tantoco ‘wag na ikabit sa mga tsismis – abogado

MANILA, Philippines – Nanawagan ang isang abogado na malapit kay yumaong Juan Paolo “Paowee” Tantoco ng Rustan’s Commercial Corporation na itigil na ang pagkalat ng maling impormasyon tungkol sa pagkamatay ng negosyante.

Pumanaw si Tantoco, isang tagapagmana ng Rustans Group, sa Estados Unidos sa edad na 44.

Kumalat online ang mga hindi kumpirmadong tsismis na iniuugnay ang kanyang pagkamatay sa pamilya Marcos, dahil ang kanyang asawa na si Dina Arroyo-Tantoco ay deputy social secretary ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sa X (dating Twitter), nanawagan ang abogado na si Ferdinand Topacio na tigilan na ang mga espekulasyon. “Mga kaibigan, nasasaktan din kami sa pag-aresto kay Pangulong Duterte. Pero sana huwag nang idamay si Paowee Tantoco,” ani Topacio.

Pumanaw si Tantoco noong Marso 8, habang lumabas ang balita tungkol sa arrest warrant ng International Criminal Court laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte noong Marso 11. RNT