Home METRO VM Atty. Respicio naglabas ng listahan ng mga ghost flood control project...

VM Atty. Respicio naglabas ng listahan ng mga ghost flood control project sa Isabela 

1
0

ISABELA, Philippines -‎ Nakasentro ang mainit na usapin at ikinagulat ng mga mamamayan ng Isabela sa panibagong inilabas na isyu ni Vicr Mayor Atty. Harold Respicio ang listahan ng mga diumano’y ghost flood control projects na nakatala sa iba’t-ibang bayan ng dito nasabing probinsya na may kabuuang halagang ₱885.5 milyon.

‎Batay sa dokumentong inilabas, nakatala rito ang mga proyektong may kaugnayan sa dredging at desilting ng mga sapa at ilog, gayundin ang slope protection sa iba’t ibang lugar sa Isabela.

‎Ayon sa listahan, umaabot sa ₱885,503,284.32 ang kabuuang acquisition cost ng mga proyektong nakatala, na may mga petsa ng acquisition mula 2022 hanggang 2025.

‎‎Kabilang sa mga lugar na binanggit sa dokumento ang Angadanan, San Guillermo, Cauayan City, Cabagan, San Mariano, Gamu, Roxas, Burgos, Aurora, Alicia, Ilagan City, San Mateo, San Pablo, Reina Mercedes, at iba pang bayan dito sa lalawigan.

Matandaan, unang binatikos ni Respicio ang mga barangay kapitan ng Reina Mercedes sa kanilang regular session tungkol sa umano’y ghost project mula sa tibacci excise tax.

Kung saan ay umaapela na ibigay nalang na cash assistance na direkta sa mga magsasaka  ng tabako dahil sa mga ghost project.

Marami ang nagulat sa boung tapang na inilabas ni Respicio ang mga ghost flood control project na labis na hinangaan ng mga residente na ikinagulat at ikinaalarma ng mga opisyal sa lalawigan. (REY VELASCO)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here