REINA MERCEDES, Isabela – Hindi dumalo o binoycott ang mga resource person para sana talakayin kung may ghost projects sa mga pinaglaanan ng pondo ngayong taon na ipinatawag ni Vice Mayor Harold Respicio.
Kabilang sa mga ipinatawag ngunit hindi dumalo ang mga kinatawan mula sa tanggapan ng Office of the Mayor, Municipal Engineering Office, Municipal Treasurer Office, Kapitan ng mga barangay at Bids and Award Committees.
Inihayag ni Vice Mayor Respicio na tanging ang mga kinatawan mula sa Landbank of the Philippines (LBP) at mga tobacco farmers ang dumalo.
Nakatakdang magpatawag muli ng pagdinig sa susunod na linggo si Respicio para sagutin ang status ng proyekto ng lokal na pamahalaan. REY VELASCO