Home SPORTS VNL: USA, Japan, Canada teams nasa Manila naSPORTSSPORTS BANNER STORYTOP STORIES VNL: USA, Japan, Canada teams nasa Manila naJune 16, 2024 06:50 FacebookTwitterPinterestWhatsApp MANILA, Philippines – Nakarating na rin sa Pilipinas ang mga koponan ng USA, Japan at Canada para sa Manila leg ng Volleyball Nations League.Nagbigay ang pambansang volleyball team ng Pilipinas na Alas Pilipinas ng sneak peek sa pagdating ng mga koponan sa kanilang social media page.Isa ang Japan sa pinakapaborito ng mga tao kapag ginagawa ang VNL dito sa bansa.Kasama sa koponan ang mga tulad ng outside hitters na sina Ran Takahashi at Yuki Ishikawa, at opposite spiker na si Yuji Nishida.Sisimulan ng Japan at Canada ang kanilang kampanya sa Manila sa Martes ng gabi kapag magkalaban ang dalawang koponan sa Mall of Asia Arena.Dumating din sa bansa ang Team USA.Ang VNL sa Manila ay tatakbo mula Hunyo 18 hanggang 23.