Home NATIONWIDE VP Duterte hindi lusot sa posibleng kasong kriminal-DOJ

VP Duterte hindi lusot sa posibleng kasong kriminal-DOJ

MANILA, Philippines – Hindi ligtas sa kasong kriminal si Vice President Sara Duterte.

Nilinaw ng Department of Justice (DOJ) na maaari pa rin sampahan ng kasong kriminal at administratibo ang isang nakaupong bise presidente.

Sinabi ni Justice Undersecretary Jesse Andres na ang Ombudsman ang may tungkulin na disiplinahin ang lahat ng matataas na opisyal ng bansa.

“The Ombudsman also has the authority to do its duty to discipline and take necessary measures to deliver on its mandate as the investigator of all high-ranking government officials,” ayon kay Andres.

Sa kasalukuyan aniya ay pinag-aaralan na ng DOJ ang lahat ng ligal na pananagutan na maaaring kaharapin ni Duterte matapos aminin na mayroon siyang inutusan na patayin si Pangulong Bongbong Marcos, First Lady Lisa Marcos at House Speaker Martin Romualdez sakaling ipapatay siya ng mga ito.

Ang mismong pahayag aniya na ito ni Duterte ang nagbukas ng pintuan para sa iba’t ibang kasong kriminal na kaniyang posibleng kaharapin.

“We cannot take the law into our own hands. No one shall espouse that kind of thinking, and that is why, I strongly believe that that exposes her to criminal liabilities,” dagdag ni Andres.

Samantala, sa tanong kung maituturing na grounds for suspension o impeachment ang mga pahayag ni Duterte, sinabi ni Andres na nakasalalay ito sa Office of Ombudsman at sa Kongreso.

“Is not within the ambit of our authority to determine whether this should be grounds for impeachment. But, I will only say that there are serious violations of the law in this act,” ani Andres.

“We cannot take the law into our own hands. No one criminal administrative case and the Ombudsman also has the authority to do its duty to discipline and take necessary measures to deliver on its mandate as the investigator of all high-ranking government officials,” sinabi pa ni Andres. TERESA TAVARES