Home NATIONWIDE VP Duterte: Walang sapat na ebidensya para sa impeachment

VP Duterte: Walang sapat na ebidensya para sa impeachment

164
0

MANILA, Philippines — Iginiit ni Vice President Sara Duterte nitong Biyernes na walang sapat na ebidensya upang magkaroon ng kaso ng impeachment laban sa kanya, kasunod ng petisyon para sa subpoena ng ilang dokumento para sa kasalukuyang proseso.

Humiling si House Deputy Minority Leader Chel Diokno ng Akbayan party-list sa House Committee on Justice na kunin ang ilang mahahalagang dokumento, kabilang ang Duterte’s Statements of Assets, Liabilities and Net Worth (SALNs), upang malaman kung may basehan para sa impeachment.

“This only reinforces what I have been saying all along. There is no sufficient evidence to warrant an impeachment case against me,” ayon sa pahayag ni Duterte.

Ayon kay Duterte, hindi tungkulin ng komite ang mangalap ng ebidensya upang suportahan ang mga naihain nang reklamo, at tinawag niya itong “a third ‘fishing expedition’ by the House of Representatives.”

Binanggit niya ang mga naunang katulad na imbestigasyon noong 2024 budget hearings at sa House committee on good government, kung saan lumutang ang isyu ng “Mary Grace Piattos.”

“Now we are witnessing yet another desperate attempt to search for evidence where none exists,” ani Duterte, at idinagdag na ang impeachment ay isang politikal na atake na layong protektahan ang ilang indibidwal at isulong ang personal at dayuhang interes.

Pinaalalahanan din niya na ang patuloy na atake sa gitna ng tensyon sa Gitnang Silangan ay isang insulto sa mga overseas Filipino workers, mahihirap, at mga pamilyang apektado.

Ang mga reklamo sa impeachment ay naglalaman ng paratang ng betrayal of public trust, culpable violation of the Constitution, maling paggamit ng P612.5 milyon na confidential funds, at pagbabanta sa Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. at pamilya nito.

Noong Marso 4, tinukoy ng House committee on justice na sapat ang laman ng mga reklamo. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here