Home NATIONWIDE VP exec kinuwestiyon ni Ligutan sa “magic’ ng testimonya sa Davao City...

VP exec kinuwestiyon ni Ligutan sa “magic’ ng testimonya sa Davao City secret funds 

1
0

MANILA, Philippines – Matinding kinuwestiyon ng prosecution panel ang tila magic na nangyayari sa kaisipan ng special disbursing office ni Vice President Sara Duterte sa pangyayari hinggil sa paggamit ng confidential funds ng Davao City.

Sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Duterte, pinuna ni prosecution counsel Amando Ligutan sa cross-examination kay OVP SDO Gina Acosta dahil tila nagkaroon ng magic sa kanyang kaisipan at naalala ang detalye sa confidential funds ng Davao City mula 2019 hanggang 2022 na hindi nito naalala nang tumestigo ilang oras ang nakalipas.

Lumitaw ito habang nagsimulang magtanong ang defense counsel kay Acosta kung nagpalabas o hindi ang Commission on Audit (COA) ng Audit Observation Memoranda, notices of suspension, at notices of disallowances sa CF ng Davao City habang naninilbihan si Duterte bilang alkalde.

“Continuing objection to this series of questions. Magically now, this witness remembers what happened in Davao. Kanina, when the prosecution was asking her, sabi niya hindi niya maalala,” giit ni Ligutan.

Ilang oras ang nakalipas, sa ginanap na direct examination ng prosecution panel, tinanong nji Ligutan ang P460 milyon na confidential funds kada taon sa Davao City mula 2019 hanggang 2022 sa ilalim ni Duterte bilang mayor ng lungsod. Si Acosta din ang SDO nang panahon na ito.

Nang tanungin ni Ligutan kung nakasilid din sa travelling bags ang CF sa  loob ng apat na taon, tulad ng P125 milyon sa CF ng OVP sa huling bahagi ng 2022 at 2023, sinabi ni Acosta na hindi niya maalala dahil sa katandaan.

Pero, nang tanungin niya ni defense counsel Miguel Baquel kung pinunan ng COA ang naturang pondo sa Davao, sinabi ni Acosta na walang ganitong issuance na isinagawa noong panahon na iyon.

Pinuna ito ni Ligutan matapos ihayag ni Acosta na nakalagay sa apat na travelling bag ang P125 milyon na kinuha sa bangko na pawang suhestiyon niya sa OVP. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here