Sinuri nina Bureau of Customs (BOC) Commissioner Ariel Nepomuceno at Land Transportation Office (LTO) Chief Markus Lacanilao ang isang mamahaling sports car na isinuko sa LTO Central Office sa Quezon City noong Agosto 24, 2026.
Iniimbestigahan ang sasakyan dahil sa umano’y paggamit ng pekeng plaka, maling deklarasyon sa Customs, at hindi sapat na pagbabayad ng buwis.
Ayon kay Nepomuceno, dapat sana ay umabot sa mahigit ₱30 milyon ang buwis na kailangang bayaran para sa sasakyan, ngunit ₱1.8 milyon lamang umano ang naibayad.
Dahil dito, naglabas ang BOC ng Warrant of Seizure and Detention (WSD) laban sa sasakyan habang nagpapatuloy ang imbestigasyon. DANNY QUERUBIN