MANILA, Philippines- Tinanggal ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ginawa nitong reorganisasyon ng National Security Council (NSC) ang bise presidente at mga dating presidente ng bansa bilang miyembro nito.
Sa pagtinta ng Pangulo sa Executive Order No. 81, winika ng Chief Executive kinakailangang gawin ang nasabing pagbabago upang matiyak na mananatiling matatag ang NSC bilang isang national security institution, na kayang mag-adapt sa mga nagbabagong hamon at oportunidad, sa loob at labas ng bansa.
Kasabay pa rin ang pagsiguro na gagawin ng miyembro ng NSC ang, “uphold and protect national security and sovereignty, thereby fostering an environment conducive to effective governance and stability.”
Sa ilalim ng bagong direktiba ni Pangulong Marcos , magiging miyembro ng NSC ang mga sumusunod:
Pangulo bilang chairperson;
Senate President;
Speaker of the House of Representatives;
Senate President Pro-Tempore;
Tatlong Deputy Speakers na itatalaga ng Speaker;
Majority Floor Leader ng Senado;
Majority Floor Leader ng Kongreso;
Minority Floor Leader ng Senado;
Minority Floor Leader ng Kongreso;
Chairperson, Senate Committee on Foreign Relations;
Chairperson, Senate Committee on National Defense and Security, Peace, Unification and Reconciliation;
Chairperson, Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs;
Chairperson, House Committee on Foreign Affairs;
Chairperson, House Committee on National Defense and Security;
Chairperson, House Committee on Public Order and Safety;
Executive Secretary;
National Security Adviser;
Secretary, Department of Foreign Affairs;
Secretary, Department of Justice;
Secretary, Department of National Defense;
Secretary, Department of the Interior and Local Government;
Secretary, Department of Labor and Employment;
Chief Presidential Legal Counsel;
Secretary, Presidential Communications Office;
Head, Presidential Legislative Liaison Office;
at ibang opisyal ng pamahalaan at private citizens na maaaring italaga ng Pangulo “from time to time.”
Samantala, bubuuin naman ang executive committee ng mga sumusunod:
Pangulo bilang chairperson;
Executive Secretary;
Senate President o kanyang kinatawan;
Speaker of the House of Representatives o kanyang kinatawan;
National Security Adviser;
Secretary, Department of Foreign Affairs;
Secretary, Department of Justice;
Secretary, Department of National Defense;
Secretary, Department of the Interior and Local Government;
at iba pang miyembro o advisers na maaaring talaga pa rin ng Pangulo “from time to time.”