MANILA, Philippines- Hinikayat ni Vice President Sara Duterte nitong Huwebes ang mga Pilipino na alalahanin at bigyang-parangal ang ang mga alaala ng mga pumanaw na mahal sa buhay sa pamamagitan ng makabuluhang pamumuhay.
“l am one with the Christian faithful in the solemn observance of All Souls’ Day. May this become an opportunity for Filipino families to be together to celebrate the lives of the departed and offer earnest prayers for the salvation of their souls,” pahayag ni Duterte.
“Let us honor the memories of those who have gone before us by leading more meaningful lives guided by the values of love, forgiveness, and peace,” dagdag niya.
Nitong November 1, nanawagan si Duterte sa mga Pilipino na manalangin at pagnilayan ang pananampalataya ng mga santo at debosyon sa Diyos.
Sinabi ni Duterte na nakikiisa ang bansa sa paghirang sa mga santo na nagpapaalala sa mundo ng “God’s compassion, mercy, and enduring love.”
Gayundin, hinikayat ng Bise Presidente ang mga Pinoy na patuloy na hilingin sa Panginoon ang biyaya at lakas. RNT/SA