MANILA, Philippines- Hinikayat ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong Huwebes ang publiko na alalahanin ang mga aral na iniwan ng mga yumaong mahal sa buhay sa paggunita ng bansa sa All Souls’ Day.
“On this solemn All Souls’ Day, we remember our departed loved ones with gratitude. What lessons did they impart that still guide you today?” ani Marcos.
Nitong Miyerkules, All Saints’ Day, nanawagan ang Pangulo sa mga Pilipino na gunitain ang katapangang ipinakita ng mga pumanaw na mahal sa buhay sa pagharap sa mga hamon sa kasalukuyan.
“At the same time, let us remember the courage that our saints and dearly departed have shown amidst their plight so that we may be empowered to be bold in living with and for Christ no matter the difficulties that we face in this world,” Marcos said.
Binanggit ni Marcos ang mga halimbawa ng pananampalatayang ipinakita ng mga ninuno “that bind us all in appreciating the joy of leading a virtuous life here on earth as well as in recognizing the promise of eternal life through Jesus Christ.”
Binisita ni Marcos ang puntod ng kanyang ama na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., nitong November 1 sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City. RNT/SA