Home HOME BANNER STORY VP Sara balik-Pinas na!

VP Sara balik-Pinas na!

MANILA, Philippines – Balik Pilipinas na si Vice President Sara Duterte matapos ang mahigit tatlong linggong pananatili nito sa The Netherlands, kung saan nakakulong ang kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa pahayag, sinabi ng opisina ni VP Sara na lumapag ang eroplanong sinasakyan nito sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) bandang 9:56 ng gabi.

“The Vice President is expected to address any pertinent matters in the coming days,” dagdag pa.

Sa tatlong linggong pananatili ni VP Sara sa The Hague ay inayos nito ang defense team ng kanyang ama na nahaharap ngayon sa reklamong crimes against humanity ng International Criminal Court dahil sa madugong war on drugs. RNT/JGC