MANILA, Philippines – Tinamaan na ng isang solong mananaya ang P223.7 milyong jackpot ng Ultra Lotto 6/58 sa draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office nitong Linggo ng gabi, Abril 6.
Ang winning number para sa jackpot na P223,728,165.20 ay 09-11-02-23-26-07.
Samantala, wala namang nanalo sa winning combination number na 28-26-41-38-44-09 para sa Superlotto 6/49 jackpot na P65,907,081.60. RNT/JGC