MANILA, Philippines – Ipinahayag ni Bise Presidente Sara Duterte ang kanyang pagkadismaya sa resulta ng senatorial race kung saan tatlo lamang sa kanyang mga inendorso mula sa “DuterTen” ang pasok sa Top 12 base sa partial at unofficial results.
Sa kanyang pahayag noong Mayo 12, nagpasalamat si Duterte sa mga tagasuporta at tinanggap ang resulta.
“While the outcome was not what we had hoped for, our commitment to the people remains unwavering. We will continue to hold the government accountable, advocate for the issues that matter, and work tirelessly to serve as a strong and constructive opposition,” aniya.
Nangunguna sina Bong Go (Top 1), Ronald Dela Rosa (Top 3), at Rodante Marcoleta (Top 6). Pasok rin sa Magic 12 sina Imee Marcos at Camille Villar, mga kandidatong inampon ng PDP-Laban.
Sa kabila ng pagkatalo ng karamihan sa mga kandidato ng PDP-Laban, nanawagan si Duterte sa publiko na makiisa sa pagtatayo ng “malakas at prinsipiyadong oposisyon.”
“Hindi ito ang katapusan—ito’y panibagong simula.” RNT