Home HOME BANNER STORY VP Sara handa sa impeachment complaints

VP Sara handa sa impeachment complaints

MANILA, Philippines – Handa si Vice President Sara Duterte sa mga impeachment complaint na inihain laban sa kanya.

“I welcome that finally na-file na ‘yung impeachment case na sinasabi nila na ifile nila since last year pa,” ani Duterte.

Ito ang naging reaksyon ng Bise Presidente makaraang ihain ang dalawang impeachment complaints laban sa kanya sa Kamara.

“So, okay din ‘yung impeachment case dahil ako lang ang tinitira doon, ako lang iniimbestigahan noon. Ako lang ang inaatake ng impeachment case. Hindi na kasali ang nga kasamahan ko sa OVP and mga dati kong kasama sa DepEd. Masagot na ng final kung ano ‘yung mga inaakusa nila sa akin,” pahayag ni Duterte.

Kabilang sa grounds ng impeachment complaint ay ang mga isyu kaugnay sa paggamit niya ng confidential funds sa kanyang mga opisina, at ang “assassination” remarks nito laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos at Speaker Martin Romualdez.

Isinulong ang paghahain ng impeachment complaint sa kabila ng pagtutol ng Pangulo rito.

Samantala, matatandaan na nagsagawa rin ng rally ang Iglesia Ni Cristo (INC) para tutulan ang anumang hakbang na patalsikin ang Bise Presidente.

“Naiintindihan ko na gusto ng INC ng kapayapaan sa ating bansa dahil alam nila na kapag merong kapayapaan susunod din ‘yung kaunlaran ng ating bansa kaya naintindihan ko ‘yung pagsuporta nila sa opisina ng ating Pangulo, sa opisina ng Office of the Vice President kasi ‘yun din naman ang gusto ng lahat ng mga kababayan natin na mayroong kapayapaan at merong tuluy-tuloy na kaunlaran sa ating bansa,” ani Duterte. RNT/JGC