Home NATIONWIDE ITCZ, shear line at amihan magdadala ng ulan sa malaking bahagi ng...

ITCZ, shear line at amihan magdadala ng ulan sa malaking bahagi ng bansa

MANILA, Philippines – Magdadala ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan ang tatlong weather system sa Pilipinas ngayong Martes, Disyembre 10.

Ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) ay iiral sa kanlurang bahagi ng Mindanao at Palawan, habang ang shear line ay makakaapekto sa silangang bahagi ng Central at Southern Luzon.

Northeast monsoon o Amihan naman ang makakaapekto sa Hilagang Luzon at nalalabing bahagi ng Central Luzon ngayong araw, ayon sa PAGASA.

Ang Metro Manila, CALABARZON, Bicol Region, Marinduque, Oriental Mindoro, Bulacan, at Aurora ay makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at isolated thunderstorms dahil sa shear line.

Ganito rin ang mararanasang panahon sa Zamboanga del Norte at Palawan dahil sa ITCZ, at Cagayan Valley, Apayao, Kalinga, Mountan Province, at Ifugao dahil sa amihan.

Samantala, ang Ilocos Region at nalalabing bahagi ng Cordillera Administrative Region at Central Luzon ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated light rains dahil sa Amihan.

Ang nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rainshowers o thunderstorms dahil sa localized thunderstorms. RNT/JGC