MANILA, Philippines – Muli na namang nagsalita si Vice President Sara Duterte at sinabing wala siyang inaasahang “fair treatment” mula sa pamahalaan.
Ito ay kasunod ng kanyang pagdalo sa imbestigasyon ng House panel kaugnay sa paggamit niya ng confidential fund para sa Office of the Vice President at Department of Education.
“I do not expect fairness from this government. Really. Truly. That is the reason I am pussyfooting with ano, court cases,” pahayag ni Duterte sa isang panayam.
“We do not expect fairness. Imagine mo. Saan ka makahanap.. na-admit na yung tao sa hospital bigla na lang papasok, discharged na siya in less than an hour. Saan ang hustisya diyan? Saan ang hustisya dito?” dagdag niya.
Ang tinutukoy niya ang ang kautusan na inisyu kaugnay sa detention ni Zuleika Lopez, ang kanyang chief-of-staff na na-cite in contempt.
Dagdag pa, pinuna rin ni Duterte ang umano’y kawalan ng aksyon mula sa pamahalaan sa mga banta sa kanyang buhay.
“Nag complain ako noon, if you can remember in the media and they dismissed it. Everything is well documented, with documents and videos,” anang Bise Presidente.
“And then nagsabi ang NSC, na national security concern ang threat sa President. Pero, apparently, they really do not consider the threat to the Vice President as anything of a concern. So, what kind of country is this? Hindi ba ka-parte ng gobyerno ang vice president? Hindi ba ako binoto ng mga tao Hindi ba ako Vice President ng buong Pilipinas, ng lahat ng mga Pilipino?” dagdag pa.
Matatandaan na si Duterte rin ay nagbanta sa buhay nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady, at ni Speaker Martin Romualdez nitong Sabado.
Samantala, handa umano siyang sumagot sa patawag ng National Bureau of Investigation kaugnay sa naging banta niyang ito laban sa Pangulo.
“Mag-uusap na lang kami doon pag nandyan na ang subpoena,” aniya.
Nang tanungin kung may plano itong maghain ng kaso sa Korte Suprema kaugnay sa detention order na inisyu ng Kamara, sinabi niya na:
“Parang… We don’t trust any one anymore in this country.”
“We don’t expect justice anymore in this country. It is clear political harassment. It is clear political persecution.” RNT/JGC