Home HOME BANNER STORY PBBM bumiyahe na pa-UAE para sa working visit

PBBM bumiyahe na pa-UAE para sa working visit

MANILA, Philippines – Lumipad na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. patungong United Arab Emirates nitong Lunes ng gabi, Nobyembre 25 para sa isang working visit.

Ayon sa Malakanyang, ang Pangulo ay umalis 9:11 ng gabi.

Kasama niya si dating Interior Secretary Benhur Abalos bilang siya ay may “close ties with UAE royal family.”

Sinamahan din ito nina Environment Secretary Toni Loyzaga, National Commission for Culture and Arts chairperson Vic Manalo, at Foreign Affairs Undersecretary Charles Jose.

Makikipagkita si Marcos sa kanyang counterpart na si His Highness Sheikh Mohamed bin Zayed Al Nahyan, sa Abu Dhabi ngayong araw, Nobyembre 26.

Nauna nang sinabi ni Presidential Communications Office Acting Secretary Cesar Chavez na si Executive Secretary Lucas Bersamin, Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, at Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III ang magsisilbing bahagi ng caretake committee habang nasa ibang bansa si Marcos. RNT/JGC