Home HOME BANNER STORY VP Sara nakasama na ang ama: He looked well-rested

VP Sara nakasama na ang ama: He looked well-rested

MANILA, Philippines – Mukhang nakapagpahinga ng maayos si dating Pangulong Rodrigo Duterte, ayon sa unang pagkakataon na muling makita ng anak na si Vice President Sara Duterte sa The Hague.

Ayon sa Bise Presidente, nakita niya na ang kanyang ama sa visiting area ng pasilidad ng International Criminal Court.

Sa kabila nito, hindi naman aniya nakita kung saan naka-detain ang dating Pangulo.

Matapos ang isang oras na pagbisita ay ikinwento ng ama kay Sara ang mga ginawa nito, kabilang ang pagtulog at panonood ng telebisyon.

Dagdag pa, namimiss na rin umano nito ang pagkain ng Filipino foods partikular na ang inun-unan, isang pagkaing Bisaya na kapareho
ng paksiw.

Hiniling din umano sa kanya ng dating Pangulo na agad nang bumalik sa Pilipinas.

”As a request he asked me to go home. He repeatedly said, ‘Do not leave the country. Do not leave the Philippines.’ I told him I know I understand. I don’t want to be here as well but unfortunately I’m the only who has a Schengen visa and I am the only one who is a lawyer. I told him when we are able to meet with the legal team I will immediately return home and do my work,” ani Sara, sabay-sabing mayroong itinalagang defense counsel kay Duterte na si British lawyer Nicholas Kaufman.

”I told him I just have to form that legal team, then I can work remotely in the Philippines talking to the legal team and just need a next of kin to come here. Everyone’s applying for a visa right now,” dagdag pa niya. RNT/JGC