Home OPINION DOLE-ARMS NAGSAGAWA NG “DIGITAL PLATFORM” ORIENTATION

DOLE-ARMS NAGSAGAWA NG “DIGITAL PLATFORM” ORIENTATION

208
0

NAGSAGAWA ng orientation ang Department of Labor and Employment-CARAGA patungkol sa Department Order No. 249, series of 2025, ang binagong patakaran ng Single Entry Approach (SEnA).

Upang bigyang-kaalaman ang mga kawani nito sa Assistance for Request Management System (ARMS), isang digital platform na binuo para mapabi¬lis ang pagbibigay ng tulong sa mga manggagawa, sinimulan ng DOLE ang pagsasanay sa mga regional implementer ng CARAGA noong ika-12 at 13 ng Pebrero sa Butuan City.

Ang DOLE-ARMS online tool ay dinisenyo upang mapabuti ang kahusayan sa pagresolba ng hindi pagkakaunawaan sa pa¬¬gitan ng employer at ng empleyado sa pamamagitan ng pag¬bibigay ng mas mabilis at mas sistematikong paraan sa pagsusumite, pagsubaybay, at pamamahala ng Request for Assistance (RFA).

Nakatuon ang pagsasanay sa mga Single Entry Assistance Desk Officers (SEADOs) at iba pang kawani ng DOLE sa paggamit ng system para subaybayan ang mga kaso, paggawa ng report, at pag-analisa ng da¬tos para sa mas mabuting desisyon. Pinangunahan ng DOLE- CARAGA ang unang regional rollout at orientation sa mga bagong alituntunin sa Single-Entry Approach Program (SEnA) at sa bagong inilunsad na ARMS, na nakabalangkas sa Department Order No. 249, series of 2025.

Binigyang-pagkilala ni Under¬secretary Benedicto Ernesto R. Bitonio Jr., na nanguna sa kaganapan, kasama si DOLE Regio¬nal Director Jason P. Balais, ang mahalagang papel ng SEADO sa pag-assess ng mga reklamo at pagtuturo sa tamang ahensya na makatutulong sa mga manggagawa.

Binigyang-¬diin ni Undersecretary Bitonio ang pangangai¬langan ng human intervention sa pagresolba sa mga isyu sa paggawa, at kanyang binanggit na may mga kaso na nanga¬ngailangan ng paglilinaw na hindi kayang tukuyin ng artificial intelligence.

Ang pagsasanay sa Butuan ay bahagi ng inisyatiba ng DOLE na sanayin ang mga regional labor officer at implementer sa buong bansa, upang matiyak na ang DOLE ay nagbibigay ng mabilis, patas, at mahusay na serbisyo para sa mga manggagawa. Nagsagawa rin ng isa pang oryentasyon sa Central Luzon noong ika-13 at 14 ng Marso 2025.

Para sa karagdagang impor¬masyon sa DO 249, series of 2025 at DOLE ARMS, maaaring bisitahin ang DOLE website: www.dole.gov.ph at arms.dole.gov.ph.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here