Home OPINION SINASAMANTALA NG MGA ILIGALISTA

SINASAMANTALA NG MGA ILIGALISTA

HABANG nagbabatuhan ng kung ano-anong paratang ang Pilipino supporters nina dating Pangulong Rodrigo Duterte at Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa social media dahil sa pagkaaresto at pagkadala sa una sa the Hague, Netherlands dahil sa kasong crime against humanity, nagpapakasasa naman ang mga peryahan sa iba’t ibang lugar sa Calabarzon.

Siyempre, abala ang mga tao lalo na ang Philippine National Police kung paano patitiningin ang pangyayari sapagkat kasama na naman sa isyu ang mga pulis dahil nga sa mga bali-balitang may mga maghahain ng kanilang resignation dahil sa pangyayari na hindi nila makayanan ang ginawang pag-aresto sa taong dahil nang mataas na moral at sweldo nila.

Siyempre, pinagsabihan ang mga ito ng kanilang mga nakatataas na opisyal na ang PNP ay apolitical at non-partisan organization. Bagaman, ang utos na sinusunod nila ay siyempre galing sa kasalukuyang namumuno.

O, di tameme na naman ang mga pulis. Siyempre, pinagbantaan na sila sa posibleng mangyari sa kanila kung patuloy silang magngangangawa kaugnay sa pakikisimpatiya nila kay FPRRD.

Kaya naman itong mga may perya sa Laguna, Batangas at Quezon ay tuloy-tuloy ang ligaya sapagkat nabaling sa iba ang atensyon ng mga pulis. Abala ang mga opisyal ng PNP sa loyalty check sa kanilang mga tauhan.

Ang operasyon ng peryahan sa Laguna sa Barangay Langkiwa sa Biñan, sa Sto. Domingo at Tram Plaza sa Sta. Rosa na sinasabing pag-aari ng “perya queen” na si alyas “Judith” ay talagang lantaran.

Makakapal talaga ang mukha ng mga operator ng perya sa Mahayhay sa Laguna dahil mismong sa likod ng simbahan nakatayo ang perya na pinatatakbo ng isang alyas “Josie”.

Habang ang perya naman na buhay na buhay sa likod ng Jollibee sa San Pablo, Laguna na pinagagalaw naman ng isang alyas “Ka Tessie”.

Hindi lang sa Laguna dinarayo ng mga adik ang peryahan subalit maging sa Batangas ay malakas na malakas ang perya tulad ng nasa tapat ng Tuy Police Station at sa Sto Tomas na pinagagalaw ng isang alyas Baby Tomboy.

Sa Quezon, sa likod ng Real Municipal Hall itinayo ang peryahan na di umano ay dinadaan-daanan lang ng mga opisyales ng nasabing munisipalidad.

Asan na ang mga pulis? Bakit hindi ipinasasara ang mga peryahang ito na nakasisira ng buhay ng marami lalo na ng kabataan.