Home OPINION MGA TINIG NANG PAGTUTUOS (Part 2)

MGA TINIG NANG PAGTUTUOS (Part 2)

HINDI na nagpaligoy-ligoy ang kandidato bilang kinatawan ng Akbayan Party-list sa Kamara at human rights lawyer na si Chel Diokno: “For decades, Duterte thought himself untouchable. But history catches up with even the most ruthless despots.” Deklara naman ni dating senador Antonio Trillanes, na naghain ng kaso kay Duterte sa ICC noong 2017: “After eight years, sa wakas, nahuli na rin ang berdugo. His reign of terror must meet its inevitable end: his conviction.”

Nang palagan ng mga kaalyado ni Duterte ang pagdakip sa kanya, nakita ito ng ilan bilang inflection point. Ayon kay House committee chair Ace Barbers, “This is proof that in Bagong Pilipinas, no one is above the law.” Tinawag naman ito ni Bryony Lau ng Human Rights Watch bilang “a critical step for accountability in the Philippines,” kasabay ng paghimok sa administrasyong Marcos na tiyakin ang agarang pagsuko ni Duterte sa ICC.

Para sa mga pamilya ng mga biktima ng drug war ni Duterte, ang pag-aresto sa kanya ay isang napakatagal nang hinihintay na karma. Sinabi ni Randy delos Santos, tiyuhin ng binatilyong si Kian na pinatay noong 2017, “Now we feel that justice is rolling.” Ito rin ang sentimyento ni ACT Teachers Representative France Castro, na itinuturing ang nangyari bilang “a concrete step toward accountability and justice for the countless victims of his bloody regime.”

Minsan nang nagyabang si Duterte sa kahandaan niya umanong harapin ang ICC. Ngayon, gaya nga ng sinabi ni Senator Risa Hontiveros, “I hold on to what former President Duterte said, under oath, that he will face the case in the International Criminal Court. I hope, as a lawyer, he will follow its processes.” Nakasubaybay ang buong mundo.

* * *

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksyon, mag-email sa [email protected] o mag-post sa @Side_View sa X app (dating Twitter).