Home ENTERTAINMENT Panelo, sinabing si Robin ang susunod na presidente ng Pinas!

Panelo, sinabing si Robin ang susunod na presidente ng Pinas!

1
0

Manila, Philippines – Napakalaki ng kumpiyansa ni Atty. Salvador Panelo kay Sen. Robin Padilla.

Ito kasi ang minamanok niya bilang next President ng bansa pag ‘di tatakbo si VP Sarah Duterte.

Ani Panelo: “Pag ‘di tumakbo si Sara for whatever reason, patatakbuhin natin si Robin Padilla. Siya ang susunod na Presidente!”

Panelo believes that the actor-senator has a good fighting chance.

Imagine nga naman, sa unang sabak pa lang ni Robin sa pulitika ay nag-Number 1 siya among the senatoriables.

Git pa ni Panelo, sa survey daw noon ay nasa bottom si Robin.

Sinabi pang malabo itong manalo for a lot of reasons.

Kesyo ex-convict daw, artista lang, non-graduate: “Ang ‘di nila alam, graduate ng Criminology si Robin so may alam sa batas. Nag-aral nga ng pagka-pulis, eh!”

Pumalag naman ang mga netizens sa tinuran ni Panelo: “Maawa tayo sa Pilipinas. Lugmok na lugmok na ang bansa natin!”

“Eh, ‘di wow…good luck!”

“Siyempre, para they can manipulate Robin!”

“Mind conditioning ba ‘yan?!”

Agree? Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here