Pasay City — Mariing kinondena ni Senator Mark A. Villar ang pananaksak na ikinasawi ng isang Grade 9 student sa loob ng Las Piñas National High School, at sinabing ang trahedyang ito ay patunay sa agarang pangangailangang higit pang palakasin ang kaligtasan at seguridad sa mga paaralan.
“Ang ating mga paaralan ay dapat manatiling lugar ng kaligtasan, pagkatuto, at pag-asa—hindi lugar kung saan nalalagay sa panganib ang buhay ng ating mga kabataan. Walang estudyante ang dapat matakot para sa kanyang seguridad habang siya ay nag-aaral at nagsusumikap para sa kanyang mga pangarap,” ani Villar.






