MANILA, Philippines – TINIYAK ni Vice President Sara Duterte na patuloy na magbibigay-serbisyo ang kanyang tanggapan sa mga mamamayang filipino sa kabila ng pagbaba ng ‘approval at trust ratings’ nito.
Sa isang panayam, hindi lamang nangako si VP Sara na ipagpapatuloy ng OVP ang pagbibigay serbisyo sa mga Filipino kundi nangako rin ito na paghuhusayin at palalakasin pa ang serbisyong ibinibigay sa mga mamamayang Filipino.
Ang pahayag na ito ni VP Sara ay matapos na lumabas ang resulta ng Pulse Asia Ulat ng Bayan nationwide survey nitong weekend kung saan tinatayang nasa 12% naman ang ibinaba ng trust ratings ni VP Sara kung saan mula 615 noong Setyembre ay nakakuha na lamang ito ng 49%.
Ipinakita rin ng nasabing survey na mula naman sa Classes ABC, halos tumabla ang approval at disapproval ratings ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. (39% at 32%) gayundin ang magkadikit na datos ng kaniyang trust at distrust ratings na (40% ay 36%) mula sa nasabing social classes.
Habang nakakuha naman 80% na approval at 81% trust ratings si VP Sara mula sa Mindanao.
Ang survey ay isinagawa mula Nobyembre 26 hanggang Disyembre 3.
Samantala, ang latest survey results ay matapos aminin ni VP Sara na kumontak na ito ng taong ia-assassinate ang First Couple at si Speaker Martin Romualdez kapag siya ay pinapatay. Kris Jose