Home ENTERTAINMENT Kris, ‘pinatay’ sa internet!

Kris, ‘pinatay’ sa internet!

Manila, Philippines – Nangunang inalmahan ni Ogie Diaz ang balitang kumalat sa internet.

Laganap kasi ang isang blurred photo kung saan nakakahawig ng subject si Kris Aquino.

Patay na raw ang nasabing kilalang personalidad!

Hindi na nag-aksaya ng panahon si Ogie na kagyat tumawag kay Mary Anne Opeña, kilalang malapit na kaibigan ng Queen of All Media.

For her part, agad namang tinawagan ni Mary Anne si Alvin na secretary ni Kris.

Tinawanan lang daw ni Alvin ang anito’y malinaw na fake news.

Dahil dito’y nag-isyu ng babala si Ogie na huwag basta-basta naniniwala sa mga balitang natitisod sa internet.

Maging mapanuri raw ang mga netizens lalo’t usung-uso ang paglaganap ng mga fake news na kagagawan ng ilang taong gustong pagkakitaan ang pagkakalat nito.

Dagdag pa ni Ogie, looking forward pa naman ang mga netizens sa aabangang show ni Kris.

Sa ngayon ay balitang on the road to recovery na ang TV host-actress.

Kay Kris mismo galing ang masidhing pagnanais nitong gumaling by repratedly saying to herself: “Laban lang!” Ronnie Carrasco III