Home NATIONWIDE VP Sara nanindigang walang public fund ‘misuse’

VP Sara nanindigang walang public fund ‘misuse’

MANILA, Philippines- Sa pagdalo ni Vice President Sara sa pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability kaugnay ng milyon-milyong “kwestiyonableng paggastos” ng pondo ng Office of the Vice President at Department of Education (DepEd) sa ilalim ng pamumuno ni VP Sara.

Sa simula ng pagdinig ay iniutos ni Committee chairman Manila Rep. Joel Chua sa committee secretary na panumpain na ang resource persons sa ilalim ng Office of the Vice President, Department of Budget and Management at Commission on Audit.

Subalit, inalmahan ito ni VP Sara at iginiit na sa ilalim  ng patakaran ng Legislative Inquiries ay tanging mga testigo lamang ang pinanunumpa at ang pagdalo nya sa pagdinig ay bilang isang resource person.

Sa kanyang pitong minutong opening statement, nanindigan si VP Sara na walang ilegal na paggamit ng pondo ang OVP.

“In view of the said letter, I am appearing before you today not only as the head of office but, more importantly, as the duly-authorized representative of all officials of the OVP — simply because we have not done anything wrong,” pahayag nito.

Nagpahayag din ng kahandaan si VP Sara na isailalim sa audit gayundin ang harapin sa korte ang anumang kaso na isasampa laban sa kanya.

“There is no misuse of funds. If there are audit findings, we shall gladly respond to them before the Commission on Audit. And if there are legitimate cases to be filed, then we shall gladly respond to them before the appropriate courts,” dagdag pa nito.

“Sa totoo lang, hindi naman ang budget ang puntirya ninyo dahil napakadali naman magtanggal ng budget. What you are trying to do is make a case for impeachment,” paliwanag ni VP Sara kung saan iginiit nito na ang ginagawang pagdinig ng Kamara ay “well-funded” at “coordinated political attack” para siraan ito para sa susunod na 2028 election.

Nanindigan si VP Sara na wala itong nagawang mali at hinahayaan na nito sa kamay ng Kamara ang pagbibigay ng budget sa OVP.

“You may try to destroy me. You can skin me alive, burn me, and throw my ashes to the wind. But let it be known: You will find me unbowed. You have the complete freedom to do whatever you wish to the OVP budget. If you feel that all documentary submission are not enough, then by all means, huwag kayo magbigay ng budget,” paninindigan pa nito.

Sa huli ay hiniling ni VP Sara kay Chua na tapusin ang pagdinig at isantabi ang privilege speech ni Manila Rep. Rolando Valeriano na nag-aakusa na may illegal na paggamit ng pondo ang OVP. Gayunman, iginiit ni Chua na hindi na ito maaari dahil kinuha ng ng panel ang hurisdiksyon sa reklamo. Gail Mendoza