MANILA, Philippines – UMAPELA si Vice President Sara Duterte sa Philippine Military Academy (PMA) ‘SIKLAB LAYA’ 2025 graduates na maging instrumento ng katotohanan at hindi ng pagtatraydor.
“Lagi sana kayong maging instrumento na magsusulong ng kabutihan, ng tama, ng katotohanan, at tunay na pagbabago sa buhay ng mga Pilipinong patuloy na nangangarap, nagsusumikap, at umaasang magtatagumpay,” ang sinabi ni VP Sara sa kanyang video message na naka-post sa kanyang Facebook account.
“Huwag sana kayong maging kasangkapan ng pagmamalabis, pagtatraydor, at pagpapahirap ng mga nasa kapangyarihan sa mga kapwa Pilipino na katulad ninyo ay matapang na naninindigan para sa kabutihan, sa tama, sa katotohanan, at sa tagumpay ng mga Pilipino,” dagdag na wika nito.
Ipinahayag ni VP Sara ang kanyang mensahe bago pa ang graduation rites para sa PMA Sundalong Isinilang na Kasangga at Lakas ng Ating Bayan Para sa Kalayaan (SIKLAB LAYA) Class of 2025, araw ng Sabado, sa PMA grounds sa Fort del Pilar, Baguio City.
Sa kabilang dako, kinikilala naman ni VP Sara ang pagmamahal ng PMA graduates para sa bansa kung saan unang ipinakita ng mga ito nang piliin nilang pumasok sa PMA.
“You have chosen the life of selfless service that only the brave, the courageous, and the real patriot would choose — demonstrating strength, integrity, and honor before a nation seeking to overcome institutional abuse of power and extreme inequalities impacting mostly the poor,” aniya pa rin.
“Sa inyong paglilingkod ay magsisiklab hindi lamang ang mga minimithi natin bilang isang malayang bansa kundi pati na rin ang pagliliyab at paglagablab ng ating lakas upang maging tunay na malaya,” ang sinabi pa rin ni VP Sara.
“I trust that you will continue to personify the virtues that shaped your military education and enabled you to become commendable cadets with courage, integrity, and loyalty to your noble path of duty,” dagdag na pahayag nito.
Hinikayat naman ni VP Sara ang mga nagsipagtapos na harapin ang kanilang kinabukasan.
“Keep the fervor within you burning and continue building a bright future amid every hurdle and challenge in these times of uncertainty so you may stand as a beacon of hope and strength to our hopeful nation,” ang sinabi ni VP Sara.
“May you always strive to restore and uphold the values of an independent, non-partisan and professional institution. One, whose sole duty is to defend the constitution,” aniya pa rin.
“May you never yield to the greed for material gain, political pressure, or foreign influence. May you always stand unbowed. Congratulations, ‘Siklab-Laya’ Class of 2025! Shukran,” ang tinuran ng bise-presidente. Kris Jose