Home NATIONWIDE DA: Pagbalik sa pre-ASF levels ng local hog population, aabutin ng 2...

DA: Pagbalik sa pre-ASF levels ng local hog population, aabutin ng 2 ‘gang 3 taon

MANILA, Philippines – AABUTIN ng 2 hanggang 3 taon bago pa makabalik ang swine population sa Pilipinas sa pre-African swine fever (ASF) levels.

Sa isang panayam, sinabi ni Department of Agriculture (DA) spokesperson Assistant Secretary Arnel de Mesa na nakakakita na ng senyales o tanda ang departamento sa pagbangon ng local hog industry.

“Tatagal ito ng two to three years,” ani de Mesa.

Tinuran pa ni de Mesa na nagpapatuloy ang kontroladong pagbabakuna sa mga baboy kung saan ay “naging maganda ang resulta sa mga lugar na nagkaroon ng bakuna.”

Naghihintay naman ang DA ng kumpirmasyon mula sa FDA at pag-apruba ng FDA sa clearance nito para sa commercial rollout ng ASF vaccine, posibleng bago matapos ang taon, bago ipatupad ang ‘aggressive repopulation plan’ na makapagpapabalik sa domestic production sa pre-ASF levels sa 2028.

Simula ng first outbreak noong 2019, ang national hog inventory ay humina, mula 13 milyong ulo sa mas mababa sa siyam na milyong ulo.

“The vaccine will significantly enhance the likelihood of success for the repopulation program,” ayon sa DA. Kris Jose