Home NATIONWIDE Wage increase sa kasambahay sa Central Visayas epektibo na sa Mayo 11...

Wage increase sa kasambahay sa Central Visayas epektibo na sa Mayo 11 – DOLE

MANILA, Philippines – Naglabas na rin ng Wage Order ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board sa region VII (Central Visayas Region) para sa pagtaas ng monthly minimum wage ng kasambahays ng P500 sa lahat ng lugar.

Ang monthly wage rate para sa chartered cities at first-class munisipalities sa rehiyon ay magiging P6,000 at P5,000 para sa ibang munisipalidad.

Kasunod ng umiiral na batas at pamamaraan, ang wage order ay isinumite sa National Wages and Productivity Commission (NWPC) para sa pagsusuri at pinagtibay noong Abril 22, 2024.

Ang wage order ay nai-publish noong Abril 25 at magkakabisa pagkatapos ng 15 araw mula sa paglathala nito sa sa Mayo 11, 2024.

Ang pagtaas ng sahod para sa mga kasambahay ay inaasahang makikinabang sa 107,931 domestic workers—humigit kumulang 14% (15,099) sa kanila ay nasa live-in arrangement.

Ang huling wage order para sa domestic workers sa rehiyon ay inisyu noong Mayo 2022 at naging epektibo noong Hunyo 14,2022. Jocelyn Tabangcura-Domenden