Home NATIONWIDE Walang bagong buwis ‘gang sa susunod na taon – Recto

Walang bagong buwis ‘gang sa susunod na taon – Recto

MANILA, Philippines – Walang ipatutupad na bagong buwis sa bansa hanggang sa susunod na taon, ito ang pagsisiguro ni
Finance Secretary Ralph Rector nitong Miyerkules, Marso 13 kasabay ng kumpirmasyon sa kanya ng Commission on Appointments (CA) bilang Finance chief.

Ani Recto sa CA finance committee, ang isusulong lamang ng pamahalaan na tax measures ngayon ay ang “already in the advance stages in Congress.”

“Only those that are already in the advance stages in Congress… so we are only pursuing the six measures that are here already in Congress,” pagpapatuloy ni Recto.

Iginiit niya na hindi magpapanukala ang ahensya ng anumang bagong buwis at ang isusulong lamang ay “only what is on the table.”

“No new taxes,” dagdag niya.

“Yes,” nang tanungin kung hanggang sa susunod na taon ba ito. RNT/JGC

Previous articleEx-PRRD lumahok sa prayer rally bilang suporta kay Quiboloy
Next articlePanukala sa pagbawi ng prangkisa ng SMNI umarangkada na sa Kamara