MANILA, Philippines – Sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) nitong Biyernes, Agosto 22 na walang banta ng tsunami sa Pilipinas kasunod ng magnitude 7.5 na lindol na tumama sa Southern Drake Passage.
“No destructive tsunami threat exists based on available data,” saad sa tsunami information ng PHIVOLCS na inilabas alas-11 ng umaga.
Sa ulat, tumama ang lindol sa Drake Passage, o bahagi ng karagatan sa pagitan ng South America at Antarctica.
Ayon sa PHIVOLCS, may lalim na 11 kilometro ang lindol. RNT/JGC