MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nitong Biyernes, Agosto 22 na suspendido ang implementasyon ng expanded number coding scheme sa Lunes, Agosto 25, 2025.
Ito ay bilang paggunita sa National Heroes’ Day na isang regular holiday.
Awtomatikong suspendido ang number coding scheme kapag may official at special non-working holiday. RNT/JGC