Home NATIONWIDE Walang dahilan sa pagpapaliban ng proklamasyon ni De Lima – Comelec

Walang dahilan sa pagpapaliban ng proklamasyon ni De Lima – Comelec

111
0

MANILA, Philippines – Walang nakikitang dahilan ang Commission on Elections (Comelec) para suspendihin ang proklamasyon ni Mamamayang Liberal party-list first nominee Leila de Lima sa kabila ng pagbaliktad ng Court of Appeals ng drug case acquittal nito.

Sa press conference sa Manila Hotel Tent City, sinabi ni Comelec chairman George Erwin Garcia na si De Lima ay hindi convicted ‘with finality,’ na magbabawal sa kanya sa pag-uposa anumang posisyon sa gobyerno.

“It has no effect on the proclamation of the party-list and that personality,” ani Garcia sa desisyon ng Court of Appeals.

Nitong Huwebes, naglabas ng ruling ang CA 8th Division na sinabing bigong ipaliwanag sa desisyon ng Muntinlupa Court ang mga katotohanan batay sa batas kung saan ibinatay ang acquittal. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here