MANILA, Philippines – Walang masuwerteng mananaya ang nag-uwi ng jackpot prize sa major lotto draws ng Philippine Charity Sweepstakes Office noong Linggo ng gabi, Nob. 16.
Walang nakahula sa panalong kumbinasyon sa Superlotto 6/49: 01-07-32-17-34-38. Ang Superlotto 6/49 jackpot prize ay nasa P15,840,000
Katulad nito, nanatiling buo ang Ultra Lotto 6/58 jackpot na P119,841,821 dahil walang nakakuha ng winning combination na 37-12-13-29-10-14. RNT/MND