MANILA, Philippines – Wala pa ring nakasusungkit ng jackpot prizes para sa Grand Lotto 6/55 at Lotto 6/42 sa draw ng PCSO nitong Sabado, Hulyo 19, 2025.
Batay sa 9 p.m. draw ng PCSO, walang nanalo sa lucky prize ng Grand Lotto 6/55, na umaabot sa P29,700,000.
Ang winning combination para rito ay 35-49-44-53-16-31.
Wala ring nakahula ng tamang winning number combination sa Lotto 6/42 draw na 11-38-40-27-06-01.
Ang jackpot prize naman para rito ay nasa P54,107,784.20. RNT/JGC