MANILA, Philippines – Walang nanalo sa major lotto jackpot draws nitong Biyernes, Pebrero 21, 2025.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), walang nakahula sa winning number combination ng Ultra Lotto 6/58 sa 12-55-36-10-14-40. Ang jackpot para rito ay
P97,588,745.20.
Wala ring nagwagi sa Mega Lotto 6/45, sa winning numbers na 36-08-11-43-25-14.
Ang jackpot naman para rito ay P13,567,830.00. RNT/JGC