Home NATIONWIDE BI nagbabala sa overseas POGO-like scam hubs

BI nagbabala sa overseas POGO-like scam hubs

MANILA, Philippines – Nagbabala ang Bureau of Immigration (BI) laban sa overseas scam hubs na nag-ooperate na kapareho ng illegal Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs), target ang mga Filipino na nagnanais ng trabaho sa ibang bansa.

Sa pahayag nitong Biyernes, Pebrero 21, sinabi ng BI na inaakit ng mga scam hub na ito ang mga Filipino sa pamamagitan ng pangako sa social media nang mataas na sweldo sa customer service jobs abroad.

Kapag na-recruit na ay pwersahang pagtatrabahuhin ang mga biktima sa fraudulent online schemes.

“In 2024 alone, we intercepted 118 Filipinos linked to online scamming schemes. This year, we are seeing a more brazen approach, with traffickers constantly shifting their tactics,” pahayag ni BI Commissioner Joel Anthony Viado.

“Our immigration officers remain on high alert, but we urge Filipinos to stay vigilant and verify job offers through legitimate government channels before traveling abroad.”

Iginiit ni Viado na bagamat gumagawa naman ang pamahalaan ng paraan para maprotektahan ang mga manggagawa, dapat pa rin umanong maging alerto ang publiko.

“Be cautious and safeguard yourself from these scams,” giit ng opisyal.

Kamakailan ay mayroong 12 Filipino human trafficking victims ang nasagip sa Myanmar matapos makaranas ng physical abuse, electrocution, at mahabang oras ng pagtatrabaho sa scam operations nang walang kaukulang sweldo. RNT/JGC