MANILA, Philippines – Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nais niya ng long-term solutions sa pagtugon sa mga inilikas na pamilya na apektado sa aktibidad ng Bulkang Kanlaon.
Ang pahayag na ito ng Pangulo ay kasabay ng pakikipagkita niya sa mga lokal na opisyal para pag-usapan ang kasalukuyang sitwasyon sa Kanlaon.
“Ano ‘yung pangangailangan? Kung mayroon pang kulang dito sa support na ibinibigay natin sa mga evacuees at saka ‘yung mga na-displace, ‘yung wala sa evacuation center pero wala sa bahay nila,” ani Marcos.
”So, tuloy-tuloy lang naman ‘yun, that will be continued. Pero now ang mahabang diskusyon is ‘yung long term, paano natin gagawin,” dagdag pa niya.
Sinabi naman ni Canlaon City, Negros Oriental Mayor Jose Chubasco Cardenas na dapat ay may sapat na pondo kung gagawa ng permanent evacuation centers sa mga residente.
”I think for the 2,400 families and 8,000 individuals it reaches up to P400 to P500 million,” ani Cardenas.
Ikinokonsidera, anang Pangulo, ang pagtatayo ng permanent evacuation center sa labas ng danger zone para sa mga maaapektuhan ng aktibidad ng bulkan.
Nananatili sa Alert Level 3 ang babala sa Bulkang Kanlaon. RNT/JGC