MANILA, Philippines – Nakatakdang salubungin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Palau President Surangel Whipps Jr. para sa official visit nito sa Pilipinas sa susunod na linggo.
Ayon sa Presidential Communications Office, si Whipps ay nasa Manila mula Pebrero 23 hanggang 24, 2025.
Inaasahang magpapalitan ng pananaw ang dalawang lider patungkol sa pagpapalawak ng umiiral na bilateral cooperation sa fisheries, trade, investment, connectivity at people-to-people ties.
Magbibigay-daan din ito sa mga bagong kolaborasyon, partikular sa kalusugan at labor sectors.
Inaasahang tatalakayin din nina Marcos at Whipps ang South-South cooperation, regional concerns at mga common advocacies sa multilateral arena.
Ayon sa PCO, nasa 3,000 Filipino ang naninirahan at nagtatrabaho sa Palau, o bumubuo ng 17% ng populasyon nito. RNT/JGC