MANILA, Philippines – Walang nakahula ng tamang winning number combination para sa jackpot ng Grand Lotto 6/55 at Megalotto 6/45 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Lunes, Oktubre 21.
Ang winning numbers para sa Grand Lotto 6/55 ay 49-39-26-10-36-53 at ang jackpot prize nito ay nasa P70,339,447 na.
Samantala, ang winning combination para sa Megalotto 6/45 ay 06-34-11-35-13-31. Ang jackpot prize naman para rito ay nasa P24,844,185. RNT/JGC