MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na walang tumama sa jackpot sa ginanap na Ultra Lotto 6/58 at Mega Lotto 6/45 draws noong Biyernes ng gabi.
Sa Ultra Lotto 6/58, ang lumabas na kombinasyon ay 35-23-50-07-31-02 na may jackpot na ₱49.5 milyon, ngunit walang nanalo.
Sa Mega Lotto 6/45, ang mga numerong nabunot ay 07-43-35-44-33-41 na may jackpot na ₱8.91 milyon, at wala ring nakakuha ng tamang kombinasyon. RNT/MND