MANILA, Philippines- Tiniyak ni Department of Education Secretary Sonny Angara na walang nasaktan o naging pinsala na naitala kasunod ng malakas na paglindol, Sabado ng umaga sa Laoag City, Ilocos Norte, kasalukuyang nagsisilbi bilang host para sa 65th Palarong Pambansa.
Niyanig ng magnitude 5.4 na lindol ang bayan ng Luna, La Union ngayong Sabado, pasado alas-10 ng umaga. Naitala ang sentro ng lindol sa layong 31 kilometers hilagang kanluran o sa karagatang sakop ng Luna, La Union.
Naramdaman ang lindol sa mga karatig-lungsod kabilang na ang Laoag City, kung saan ginawa ang opening ceremony ng Palarong Pambansa.
“Ok naman kami no major damage or injuries reported,” ayon kay Angara.
Sa kabilang dako, sinabi ng DepEd na kagyat na pinakilos ng Incident Command Post (ICP) ang Bureau of Fire Protection (BFP) at Regional Safety Officers pata inspeksyunin ang playing venues at mga lugar kung saan nananatili ang mga delegado.
Iinspeksyunin din ng ahensya ang Ferdinand E. Marcos Memorial Stadium (FEMMS), kung saan gaganapin ang ilang sport events gaya ng football, tennis, athletics, at swimming.
“The Incident Command Post (ICP) has mobilized the Bureau of Fire Protection (BFP) and Regional Safety Officers to immediately inspect all billeting and playing venues, including the Ferdinand E. Marcos Memorial Stadium (FEMMS), to ensure the continued safety of all delegates,” ayon sa DepEd.
“As of this report, no injuries or major structural damages have been recorded. All delegates are safe. There is no cause for alarm or panic,” dagdag nito.
Winika pa ng DepEd na ang Regional Incident Management Team (RIMT) ay mayroon nang earthquake response protocols.
“Safety remains our top priority. We will provide updates as necessary,” ang sinabi pa rin ng DepEd.
Ang Palarong Pambansa ay binuksan ng May 24, tatakbo ang regular sports mula May 26 hanggang 30. Kris Jose