Home NATIONWIDE Walang nasawi sa pagsabog sa loob ng bahay sa Maynila

Walang nasawi sa pagsabog sa loob ng bahay sa Maynila

127
0

MANILA, Philippines – Nagulantang ang ilang mga residente sa Tondo, Maynila nang makarinig ng isang malakas na pagsabog sa loob mismo ng isang bahay nitong Sabado ng hapon.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nangyari ang insidente sa isang bahay sa kahabaan ng Tuazon Street sakop ng Barangay 37 sa Tondo, Maynila.

Ayon kay Kevin Locsin, residente at may-ari ng bahay, nasa ikalawang palapag siya ng kanilang bahay nang makarinig ng malakas na pagsabog mula sa ground floor ng nasabing bahay.

Agad siyang bumaba at tiningnan ang pinagmulan ng pagsabog at nadiskubre sa isang storage area sa labas ng kanilang bahay ang sumabog.

Naglalaman umano ang storage area ng mga dinispose na mga paputok o tinawag na ‘plapla’ at ibat-ibang combustible rubbish materials na nakatakda sanang ipatapon.

Gayunman, aksidenteng sumindi ito na nagresulta ng pagsabog.

Agad na rumespondeng ang mga tauhan ng District Explosive and Canine Unit (DECU), Manila Police District (MPD), na pinangungunahan ni PCMS Romulus Ramilo, Team Leader, at nagsagawa ng technical processing at post-blast investigation sa apektadong lugar.

Wala rin iniulat na nasawi o nasugatan sa insidente at wala ring anumang banta ng pagsabog. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here