MANILA, Philippines – Walang Pinoy ang nasawi sa malakas na lindol na tumama sa Myanmar at Thailand nitong Biyernes, Marso 28.
Ayon sa Philippine Embassy sa Yangon, mahigpit nilang binabantayan ang sitwasyon ng mga Filipino sa lugar at siniguro na walang nasaktan mula sa 811 rehistradong Pinoy na naninirahan at nagtatrabaho sa Myanmar.
Samantala, inihayag din ng Philippine Embassy sa Thailand na, “As of this time, there have been no reports of Filipinos harmed or affected by the earthquake.”
“The Embassy advises Filipinos in Thailand to remain calm and vigilant, as well as monitor updates from credible and verifiable sources of information,” dagdag pa.
Iniulat din sa Laos na walang Pinoy ang naapektuhan sa nasabing lugar.
Matatandaan na niyanig ng magnitude 7.7 na lindol ang Myanmar at naramdaman hanggang sa Thailand at Laos. RNT/JGC