Home HOME BANNER STORY Walang Pinoy ang nasaktan sa Lebanon pager, walkie-talkie blasts – DFA

Walang Pinoy ang nasaktan sa Lebanon pager, walkie-talkie blasts – DFA

MANILA, Philippines – Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs na walang Pinoy ang nasaktan sa kamakailan lamang na sunod-sunod na pagsabog ng pager, mga walkie-talkie na ginamit ng mga miyembro ng Hezbollah sa Lebanon.

“That’s the positive news I could share. Absolutely no Filipinos were affected. You will note from the announcement that the deaths were connected with the Hezbollah and we’d like to think that there are no Filipinos who are members. So no Filipinos were reportedly injured during the successive days of the attacks,” ani DFA Undersecretary Eduardo De Vega da isang panayam.

Tinatayang 37 katao ang namatay at 3,000 ang sugatan sa loob ng dalawang araw matapos na sumabog ang pagers at walkie-talkies na ginamit ng Hezbollah operatives sa Lebanon.

“The pagers reportedly came in from Taiwan and explosives were packed in ahead of the pagers’ arrival in Lebanon,” ayon sa ulat.

Ang naturang mga pagsabog ang itinuturing na “biggest security breach” ng Hezbollah.

Tingin ng ilang ekperto, ilang buwan plinano ang naturang kakaibang uri ng pag-atake.

Itinanim umano ang mga detonator sa mobile devices bago ibinenta sa mga miyembro ng Hezbollah.

Sa kabilang dako, sinasabing karamihan sa mga namatay ay dumalo sa burol ng mga naunang nasabugan.

Pinaratangan naman ng Hezbollah ang Israel na utak sa pagsabog.

Dahil sa nangyaring insidente posibleng tumindi na rin ang hidwaan sa pagitan ng Israel at Hezbollah na pinangangambahang mauwi sa digmaan.

Samantala, sinabi naman ng Japanese firm na Icom na itinigil na nila ang pagpo-produce ng modelo ng walkie-talkies na napaulat na ginamit sa nangyaring pagsabog, araw ng Miyerkules sa Lebanon , 10 taon na ang nakalilipas. RNT