Home HOME BANNER STORY Walang Pinoy na nasaktan sa 8 na atake ng US sa Baghdad...

Walang Pinoy na nasaktan sa 8 na atake ng US sa Baghdad – DFA

116
0

MANILA, Philippines – Tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang Pilipinong nasaktan sa walong magkakasunod na pag-atake sa isang pasilidad ng Estados Unidos sa Baghdad International Airport sa Iraq.

Ayon sa ulat, pinuntirya ng rockets at drones ang US diplomatic at logistics center noong Marso 22, batay sa kumpirmasyon ng isang Iraqi security official. Sa pahayag ng DFA, “No Filipino was harmed in the eight attacks targeting a US diplomatic and logistics facility at Baghdad International Airport on 22 March.”

Dahil sa insidente, pinalawig ng Civil Aviation Authority ng Iraq ang pagsasara ng airspace hanggang tanghali ng Marso 25, habang sinuspinde rin ng Iraqi Airways ang lahat ng flight hanggang Abril 2.

Noong Pebrero, tinatayang nasa 1,600 Pilipino ang nasa Iraq. Sa gitna ng tumitinding tensyon sa Middle East mula Pebrero 28, 26 lamang sa kanila ang humiling ng repatriation sa DFA, kung saan anim na kahilingan ang nananatiling nakabinbin. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here