MANILA, Philippines – Walang Pilipino umanong sangkot o kabilang sa mga biktima ng sword attack sa Brinell High School sa Fagersta, Sweden noong Agosto 21, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).
Ayon sa Philippine Embassy sa Stockholm, nakipag-ugnayan sila sa ilang lider ng Filipino community at walang naiulat na Pilipinong nasangkot o nasugatan sa insidente.
Isang 18-anyos na dating estudyante ang umano’y umatake gamit ang espada. Binaril at inaresto siya ng pulisya at kalaunan ay ipinakulong habang nahaharap sa mga kasong pagpatay at tangkang pagpatay.
Isang 17-anyos na babae ang nasawi, habang tatlong lalaking estudyante ang nasugatan. Dalawa sa mga sugatan ay malubha ang kalagayan. RNT/MDS