Home NATIONWIDE Walang ‘top contenders’ sa papal elections – CBCP

Walang ‘top contenders’ sa papal elections – CBCP

Nilinaw ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na walang frontrunners sa darating na papal elections matapos pumanaw si Pope Francis.

Ayon kay CBCP spokesperson Fr. Jerome Secillano, anumang isa sa 135 na eligible na kardinal ang maaaring maging susunod na papa basta makuha nila ang dalawang-katlo ng boto.

Binanggit niya na ang ideya ng frontrunner ay gawa ng media at public perception lamang.

Ang opinyon ng mga kardinal electors ang magmamatter. Tatlong Filipino cardinals—Luis Antonio Tagle, Jose Advincula, at Pablo Virgilio David—ang eligible na makibahagi sa conclave.

Pagkatapos ng siyam na araw na pagdadalamhati, magtitipon ang mga kardinal sa Sistine Chapel para bumoto.

Ang itim na usok ay nangangahulugang walang napiling papa, habang ang puting usok ay senyales na may bagong papa nang napili. RNT