Home METRO #WalangKuryente sa ilang lugar sa P’que, Cavite, Laguna sa Mayo 16, 17

#WalangKuryente sa ilang lugar sa P’que, Cavite, Laguna sa Mayo 16, 17

MANILA, Philippines- Makararanas ang ilang bahagi ng Paranaque City, Cavite, at Laguna ng power service interruptions sa May 16 at 17 dahil sa scheduled maintenance activities.

Sa abiso sa website ng Manila Electric Company (Meralco), sinabi nitong magkakaroon ng relocation at reconstruction ng mga pasilidad sa Sun Valley Drive sa Barangay Sun Valley, Parañaque City sa May 16.

Kabilang sa mga apektadong lugar sa pagitan ng ala-1 ng madaling araw hanggang alas-6 ng umaga ang mga sumusunod:

  • Bahagi ng Sun Valley Drive from Meralco – Sun Valley substation patungong West Service Road saklaw ang Marymount County Subdivision at Acasys Prime Residences sa Barangay Sun Valley

  • Bahagi ng East Service Road mula Marian Road 2 patungo at saklaw ang Philippine National Construction Corporation sa Barangay San Martin De Porres

  • Bahagi ng Marian Road 2 mula East Service Road hanggang malapit sa Marian Road 1 sa Marian Subdivision, Barangay San Martin De Porres

  • Bahagi ng Tindalo Street mula East Service Road patungong Apitong Street kasama ang Dungon at Supa Streets sa United Parañaque Subdivision, Phase 2, Barangay San Martin De Porres

  • Bahagi ng Apitong Street mula Kamagong Street hanggang Mahogany Street sa United Parañaque Subdivision, Phase 2, Barangay San Martin De Porres

  • Bahagi ng Kamagong Street mula East Service Road patungong Apitong Street sa United Parañaque Subdivision, Phase 2, Barangay San Martin De Porres

  • Bahagi ng Lauan Street mula Apitong Street hanggang Mahogany Street sa United Parañaque Subdivision, Phase 2, Barangay San Martin De Porres

Magkakaroon din ng line conversion works sa kahabaan ng Don Placido Campos Avenue sa Dasmariñas City at Malagasang Road sa Imus City, Cavite sa May 16 at 17.

Kasama sa mga apektadong lugar sa pagitan ng alas-11 ng gabi, Huwebes, May 16, at alas-4 ng madaling araw Biyernes, May 17 ang:

  • Parte ng Don Placido Campos Avenue at Malagasang Road mula Looban Road sa Barangay Sabang, Dasmariñas City patungo at saklaw ang Hayag Motors at Pentecostal Missionary Church of Christ (4th Watch)

  • Dexterville Classic Subdivision, Goldenville I & II Subdivisions, Greensborough Subdivision, at Sunnydale Homes sa Barangay Sabang, Dasmariñas City

  • Barangays Malagasang II B, C, D, E, F, at G sa Imus City

Ayon sa Meralco, ikakasa rin ang line reconstruction works sa kahabaan ng Pan Philippine Highway (Maharlika Highway) sa Barangays Real at Turbina, Calamba City, Laguna sa May 17.

Narito ang apektadong lugar sa pagitan ng alas-12:01 ng madaling araw at alas- 6 ng umaga:

Bahagi ng Pan Philippine Highway (Maharlika Highway) mula Mountain Drive sa Barangay Real patungong South Luzon Expressway – Calamba Toll Plaza sa Barangay Turbina. RNT/SA